Naranasan niyo na ba minsan yung nasa isang relasyon ka pero pakiramdam mo
lagi kang pangalawa sa buhay niya.??
Pangalawa.. hindi naman nangangahulugang may third party o may ibang babae o lalake
pero yung ramdam mong may mga bagay na handa siyang unahin kesa sayo.
alam naman nating lahat na hindi sa lahat ng pagkakataon eh dapat lagi tayo yung nauuna..
kasi meron rin nmang mag bagay na talagang mas mahalaga pa kesa sa atin, pero yung kung ikukumpara sa ibang bagay sana ikaw nman unahin niya.
Tulad ng basketball...minsan sana naman mas unahin ka niya kesa sa bola na ipapasa niya sa kateam mate niya.
Sa pagkaen.. yung tatanungin ka muna niya kung anong gusto mong kainin kesa pumila at unahing bilhin ang order niya.
Sa Oras ng sunduan o pag hatid. yung tipong minsan di naman lagi.. Na kahit pagod siya eh, susunduin o ihahatid ka niya.. na pupuntahan ka pa rin niya. na hindi na uunahin yung pagod ng katawan niya. Di mo naman hinihiling na lagi pero minsan okay lang namn siguro, di naman siguro sobra yun. (ako kasi ganun ako eh.. kahit pagod, bsta makasama lang siya.)
Hindi lang naman third party ang karanawing sanhi ng tinatawag natin break-up..
marami pa ring factor o dahilan kung bakit sa kabila ng pag mamahalan eh nauuwi pa rin sa hiwalayan.
May kasabihan nga tayo na kahit gaano kaliit ang butas ng banga kung hindi mo aagapan o di mo papansinin eh unti unti nitong uubusin ang tubig na laman ng banga. katulad lang yan sa isang relasyon..
yung maliit na kasalanan o pag kakamali pag hindi naagapan eh maaring lumaki, o maari nitong unti unting ubusin ang laman ang pag mamahal na meron kayo ng partner mo.
katulad na lang ng nakalimutang birthday, monthsary o kung ano pa mang mahalagang araw.
katulad ng hindi sinasadyang masigawan mo ang partner mo sa harap ng ibang tao.
katulad ng inuuna mo pa yung maliit na bagay kesa sa partner mo.( hindi naman masama na minsan partner mo ang uunahin mo)
na kung minsan hahayaan mo xang mag tampo kasi maliit lang naman yung dahilan..
na pinabayaan mo yung isang bagay na pwede namang gawan ng paraan pero binigyan mo xa ng mababaw na palusot..
masyadong marami pa yung mga bagay na maliit man eh pag naipon eh nakakamatay ng pag mamahal..
ang tao naman kasi parang balde yan.. iniipon lahat ng kaya niya pero pag di na kaya ng kanyang kapasidad eh umaapaw. at ang relasyon eh para naman banga.. na pag nabutas kahit maliit at pinabayaan eh unti unting nauubos ang laman.
No comments:
Post a Comment