May dalawang taon na rin ata simula nung nangyari yun eh at ngayon eh may kanya kanya na rin kaming buhay...
di ko na rin gaanong maalala yung ibang detalye pero hanggang ngayon yung iba malinaw pa rin sa alaala ko...
may kanya kanya na kaming partner ngayon..
masaya ako sa partner ko, at kita ko rin naman kung gaano siya kasaya sa partner niya..
Masaya naman ako sa buhay ko ngayon eh.. kaya lang pag nakikita ko sila..
hindi ko alam kung nasasaktan ba ako o kung naiinggit ako at nasasabi kong "ako dapat yun, ako sana yun"
hindi ko alam kung nasasaktan ba ako o kung naiinggit ako at nasasabi kong "ako dapat yun, ako sana yun"
Aminado ako, mali.. MALI kasi nag paplano na nga kami ng partner ko na magpakasal ilang taon after ng graduation eh..
pero minsan di ko maiwasan.. nahuhuli ko na lang yung sarili ko na maisip na ang swerte nung bagong "xa" sa buhay niya..
kilala ko kasi siya pag nag mahal eh.. as in mararamdaman mo tlga.. hindi mo kailangan itanong sa sarili mo"mahal ba nya tlga ko?"...
cguro, OO, naiinggit ako, kasi alam ko kung pano siya maging ,mabuting partner, hindi sa sinasabing ko hindi mabuti yung partner ko, in fact, mabuti rin yung patner ko, mahal na mahal rin niya ko.. pero siguro iba yung manifestation niya ng emotions niya. Aminado naman ako eh, inaamin ko na lahat ng katangian ng partner ko eh talagang kabaliktaran ng mga katangian na talaga namang gustong gusto ko.. at lahat ng katangiang gusto ko ay nandun at na sa nakaraan ko..
Hindi sa kinukumpara ko o ano pa man.. sinasabi ko lang yung nakikita ko.. MAHAL KO yung partner ko.. ibibigay ko lahat para sa kanya..as in lahat tlga.. pero gusto ko rin na maranasan uli yung mga romantic ways na naranasan ko sa nakaraan ko..
Hindi ko alam kung ano yung hinahanap ko.. kung ung nakaraan ko ba o yung gusto ko lang na yung partner ko eh maging katulad ng ideal partner ko..
No comments:
Post a Comment